khaiDesigns.com blogskin by khaiDesigns

Tagboard


Links

pausiu~.~ kAtz~.~ paU~.~ vAniR~.~ aNna~.~ LoU~.~ cHarLEy~.~ cM~.~ nYx~.~ mAki~.~ aByChu~.~ yAni~.~ LoUise~.~ LeYa~.~ caM~.~ aBi~.~ maritoni~.~ rAlP~.~ eSthEr~.~ nEpH~.~ LiEzL~.~ pEdro~.~ tHEa~.~ mArj~.~ darren_roix~.~
khaiDesigns

Recent Post

  • i'm here again.. back to normal?
  • semi-cutting classes! oha!
  • andaming kwento, hindi sapat na oras..
  • hmm.. i'm currently scanning some sites of the up ...
  • watda?!
  • gising ayrik..
  • bobo si phoemela barranda.. XD
  • *insert title here*
  • da mini awting..
  • on the other hand..
  • Archives


    credits

    Blog Entry

    Sunday, January 28, 2007

    end of the road... ?

    dito na nga ba magtatapos ang lahat?

    haha..
    hindi siguro..

    siguro simula pa lang..
    ng lahat..
    simula..
    tama..

    yey! pumasa ako sa unibersidad ng pilipinas..
    nakakatuwang makita ko yung pangalan ko sa website..
    woohoo! sikat na ko!

    SANTOS, IRIC KEVIN P. U.P. Manila BS Speech Pathology

    hahaha..
    nakakalungkot nga lang kasi hindi lahat kami pumasa..
    ayokong mahiwalay sa mga kaibigan ko..
    nye..
    nagdrama daw ba..

    kaya simula ngayon, pwede ko nang gawing 85 lahat ng grades ko..
    kasi may skul na ko sa college!
    wahahaha!

    andami rin palang nagyari nitong nakaraang linggo..
    medyo okey din ung standings ng far-rence sa intrams ha..
    hehehe..
    kung hindi lang umepal yung BEAtch na yan..
    hahaha...
    panalo rin kami sa cheering..
    wehehehe.. at may bago na kaming mga kanta sa ker.. kung di mo alam wag ka na magtanong..

    hahaha..
    sa mga nangyayari mas lalo akong lumalakas..
    kinakain ng mundo ang mga mahihina..
    hindi ako dapat masali sa mga yun..
    hehehe..

    pero ang pinakamagandang balita.. >ehem.. sarcastic po 'yan..<
    ang junior - senior promenade sa pinakapipitagang venue.. >drum roll..<
    ang quadrangle..
    shet..

    basta yan..
    nakakatamad din pala magtype..
    hehehe..
    it's not the end of the road mahn..
    kakayanin ko kahit wala ka?
    ewan..
    sino ka nga ba?
    hehehehe..
    parang tanga.. wala naman akong tinutukoy..

    at oo nga pala..
    i often misunderstand things..
    yung letter, hindi ko naiintindihan..
    hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa..
    ah ewan..
    cge paalam na..

    posted by ayrik_trese @ 12:51 AM 0 comments

    Friday, January 19, 2007

    sacrifice...

    sabi nga nila, if you want to achieve somrthing, dapat may sacrifice..
    ansaklap no?
    pero kailangan yata talaga yan e..
    hindi naman yata pwedeng puro saya na lang.. walang hirap..
    'ano ka sinuswerte?'

    ayun..
    kaya ko nasabi yan dahil depressed ako ngayon..
    plastic ako kung sasabihin kong hindi ko alam kung bakit..
    pero mas maganda na sigurong hindi ko na sabihin..
    ako na lang ang may alam nun..


    ang masasabi ko na lang siguro nahihirapan ako ngayon..
    hindi ko na naman alam kung saan ako lulugar..
    pakiramdam ko na naman tuloy, nagmumuka akong tanga..

    magkukwento na lang ako..
    kaya lang nakakatamad pala..
    ieenumerate ko na lang yung mga nangyari..

    - birthday ni pausiu nung tuesday..
    - birthday ni ate katz kahapon..
    - nagvolleyball kami kahapon.. na-korbo ako.. ansakit..
    - nagpractice kami ng cheering kahapon.. astig si kuya.. >si sir luna 'yan..<
    - nalaglag yung bola ng volleyball sa kanal.. kailangan ba kasama yun?
    - at na-depress..

    ayoko kasi ng may umiiyak e.. kahit sino pa 'yan.. ewan ko kung bakit..
    siguro kasi ayaw ko rin ng pakiramdam pag umiiyak ako.. tutulo na lang ng tutulo yung luha, parang tanga.. tapos ang hirap pa huminga..
    tsaka naguiguilty rin kasi ako..
    pag may umiyak kasi hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin..
    kaya nahihirapan ako..
    hindi ko rin alam kung ano yung dapat kong sabihin..
    kaya it all ends up with me feeling guilty dahil wala akong nagawa para sa taong 'yun..
    'pag may umiiyak naiinis ako sa sarili ko..
    kasi ang tendency, pakiramdam ko ako yung may kasalanan kung bakit siya umiyak..

    sa isang relasyon ang iisipin mo syempre masaya..
    masaya nga..
    pero hindi palagi..
    tulad ngayon..
    naguguluhan ako..
    ako yung taong sangkot pero wala akong ideya kung ano yung nangyayari..
    naguguluhan ako..
    bakit?
    hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ako dun sa painting..
    ako ba yung ida o ako ba yung kaibigan nung bidang aasa, maghihintay, tapos maasaktan..

    hindi ko alam kung bakit ito yung mga sinasabi ko..
    pero sigurado akong ito yung nararamdaman ko talaga..
    nahihirapan akong basahin ang mga babae..
    minsan naiintindihan ko sila, kadalasan, hindi..
    kailangan ko ng tulong..
    pewro siguro ang makakatulong lang sa'kin ngayon, ikaw..

    "ayoko nang dumagdag pa sa mga problema mo..
    'wag mo ko alalahanin..
    wala lang 'to..
    naprapraning lang siguro ako.."

    sacrifice..
    mamahalin kita kahit ano pa ang mangyari..
    kahit ano pa ang sabihin nila..
    hindi ako magsasawa..

    posted by ayrik_trese @ 5:20 PM 0 comments

    hatred and love...

    "hahaha.."

    tawa na lang..
    naprapraning na naman ako..
    sa mga nangyayari..
    sa mga tao sa paligid ko..
    tsaka siguro..
    sa'yo..

    andaming nangyayari nitong mga nakaraang araw na hindi ko alam kung saan nagsisulpot..
    bigla na lang silang lumabas diyan sa tabi-tabi..
    at karamihan sa kanila dahil sa bagay na tinatawag nilang 'pag-ibig'..

    disclaimer:
    hindi ko tinutukoy ang buhay ko kundi yung buhay ng mga tao sa paligid ko..
    bakit? kasi pati ako apektado..

    'punyeta kayo..'
    ayusin niyo buhay niyo..


    ako: 'hindi na ako makikigulo.. nagkakagulo na lahat ng tao dahil d'yan sa love thing na 'yan..'
    kaklase ko: ''di ba dapat nga hindi nag-aaway-away kasi nga love?'

    siguro nga.. tama nga siguro yung kaklase ko..
    hindi yung bagay na yun yung nagpapagulo sa mga sitwasyon..
    yung mga taong sangkot dito..
    sila yung may kasalanan kung bakit nagiging komplikado..

    ayan tuloy.. napagsama ko yung dalawang bagay na hindi naan magkaugnay sa title..
    tae kasi kayo..

    - bakit ba kasi kailangan niyo silang pakielaman.. pabayaan niyo sila sa ginagawa nila.. kung naglolokohan man sila o one sided lang yung relasyon nila, problema na nila yun..
    - bakit ka umiiyak dahil lang nakikita mng magkasama sila.. pinahihirapan mo lang yung sarili mo.. wala rin namang mabuting maitutulong yan.. hindi naman sila maghihiwalay kung iiyak ka ng isang timbang luha..
    - bakit ka ganyan? kung mag-aasta ka akala mo kung sino kang kagandahan.. nanulot ka lang naman.. haha.. bwisit na bwisit na kami sa'yo.. ang pangit na nga ng panlabas mo, mas lalo pa yung ugali mo.. *silvertoes*
    - ikaw naman, ang bobo mo.. nagpaloko ka.. antanga mo talaga..
    - 'wag ka nang magpumilit manghimasok pa.. halatang-halatang nakikieksena ka.. hindi na tayo.. magtigil ka na sa pinaggagagawa mo..

    ayan..
    gusto ko lang linawin na hindi yan patungkol sa iisang tao..
    kung may natamaan man.. siguraduhin mo munang ikaw yan bago ka magreact..
    bahala ka..

    "these roses died three days since
    black roses died we said goodbye.."


    posted by ayrik_trese @ 4:53 PM 0 comments