khaiDesigns.com blogskin by khaiDesigns

Tagboard


Links

pausiu~.~ kAtz~.~ paU~.~ vAniR~.~ aNna~.~ LoU~.~ cHarLEy~.~ cM~.~ nYx~.~ mAki~.~ aByChu~.~ yAni~.~ LoUise~.~ LeYa~.~ caM~.~ aBi~.~ maritoni~.~ rAlP~.~ eSthEr~.~ nEpH~.~ LiEzL~.~ pEdro~.~ tHEa~.~ mArj~.~ darren_roix~.~
khaiDesigns

Recent Post

  • i'm here again.. back to normal?
  • semi-cutting classes! oha!
  • andaming kwento, hindi sapat na oras..
  • hmm.. i'm currently scanning some sites of the up ...
  • watda?!
  • gising ayrik..
  • bobo si phoemela barranda.. XD
  • *insert title here*
  • da mini awting..
  • on the other hand..
  • Archives


    credits

    Blog Entry

    Saturday, December 23, 2006

    is this for real? :)

    as promised, eto na yung pangalawa kong post para sa araw na 'to..
    hehe..
    wala lang.. nakakatuwa lang kasi parang sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw..
    kasi wala akong problema..
    at sobrang bihira yun nangyayari sa buhay ng batang makulet..
    although sobrang pagod na yung katawan ko sa mga pinaggagagawa namin sa practice, ayus lang..
    bakit?
    hulaan mo..

    haha.. mambitin daw ba..
    anyway.. natatawa nga ako kapag naaalala ko yung mga madadramang panahon ng buhay ko..
    parang tanga..
    haha.. minsan nga naisip ko pang magpakamatay..
    nyek.. sana pala noon ko pa nabasa yung 'ang paboritong libro ni hudas' ni bob ong..
    kasi may part dun na nagaadvice siya tungkol sa mga balak magsuicide..
    kaya yung mga natatamaan jan, basahin niyo yun.. sigurado matatawa talaga kayo..

    bago nga pala ang lahat..
    babatiin ko kayo ng maligayang pasko at manigong bagong taon..
    yehey..
    ansaya naman..
    parang yung xmas party lang ng lorens..

    nakakatuwa kasi sunud-sunod yung mga swerteng dumarating sa buhay ko..
    una, ako si rizal.. aba, malay mo, balang araw maging susunod na cesar montano ako.. haha..
    ang galing nga e.. nationals na agad yung lalabanan namin.. bakit?
    kasi nag-atrasan yung mga kalaban namin nung nalaman nila na masci ang kalaban..
    weh.. kung alam lang nila.. hahaha..
    excited na rin ako sa hotel accomodation para sa amin.. wee..
    nanalo rin ung lorens sa carol fest.. may bonus pa.. ako yung napiling best conductor..
    kung tutuusin nga naguguilty ako na baka hindi para sa akin yung award e..
    e kasi naman yung ibang conductors mula sa 3rd yir may kanya-kanyang gimik..
    nanjang hiniya yung sarili at nagmukang unggoy sa kakaconduct, may nagsayaw, at kung anu-ano pa..
    samantalang ako, mukang tanga lamg.. nakatayo.. parang tuod.. haha..
    ayun.. tapos first kami sa parehong contest sa baywalk..
    yung elims tsaka yung finals.. hehe.. nabanggit ko na to dun sa isa pang post e..

    pero may isang swerte na more on pagiging malas..
    napili kaming i-represent ang pilipinas for singapore sa isang world trade fair..
    e ano yung malas?
    malas kasi hindi kami pinayagan ng ncr..
    dapat daw magpractice kami..
    grr..

    nitong mga nagdaang araw.. marami akong natutunan..
    ang alagaan ang boses ko..
    commitment..
    tsaka yung pagbaba ng pride ko..
    haha..
    tama siya..
    kaya walang nangyari sa amin noon kasi hindi kami nag-uusap..
    antaas kasi ng pride ko..
    pero ngayon.. alam na.. haha.. basta masaya..

    nung sa baywalk nga pala, may nagsasayaw na bakla.. nakaminiskirt tapos may stockings pa..
    ang freaky.. nakahigh heels din pala xa.. tapos parang several feet away lang siya mula sa akin..
    nakakatrauma.. kung nakita niyo lang.. tinapunan nga ng tubig ni mam carlos e.. hehehe..

    i really love God.. totoong ginagawa niyang posible ang mga bagay.. sabi nga nila yung prayers mo, tatlo lang ang sagot.. yes, no, at not now.. hahaha.. at naniniwala na rin ako sa signs.. kung para sa iyo ang isang bagay, babalik at babalik yun.. kahit ano pa ang mangyari.. maniwala ka sa akin..
    pero hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung hindi ba siya naguguluhan sa sabay-sabay na pagdadasal ng mga tao.. hehe..

    hai.. inabot na ako ng umaga..
    dapat kasi magsisimba ako..
    e biglang nagwar of the worlds yung tiyan ko..
    nahawa na yata ako kay ralp..
    hehe..
    hanggang dito na lang..
    enjoy the xmas break guys!
    [kami kasi walng break e.. hehehe..]

    posted by ayrik_trese @ 1:24 PM 0 comments

    ang aking pamilya... :)

    waw..
    sobrang tagal ko na palang hindi nakakapagpost dito sa blog ko..
    nakakatuwang makita na andami na palang bumisita pero wala slang matinong mabasa kasi napaka-updated nito.. wahaha..

    okei..
    gagawin kong dalawang posts ngayong araw para makabawi..
    hehe..
    mga bagay na nalagpasan ko at hindi naikwento:
    -yung rizal na musical theatre..
    -family day?
    -baywalk eliminations.. [first kami dito!]

    -teacher's day..
    -at marami pang iba.. di ko na kasi maalala e..


    ayan..

    etong post na 'to ay tungkol lang sa isang bagay..
    ANG AKING PAMILYA..
    or rather, ANG AKING PANGALAWANG PAMILYA..
    bakit?
    kasi, kung close tayo at kung kilala mo talaga ako, alam mo na hindi na ako nakakaattend ng klase..
    hinahunting na nga daw ako ng mga
    teacher e..
    mula yata foundation day puro excused na yung nakalagay sa pangalan ko sa notebook nung secretary namin.. haha..

    at dahil yun sa choir..

    haha.. nakakatuwa.. willing akong ipagpalit yung chance kong gumraduate para sa choir..
    hehe.. wala naman akong pakielam e.. kung babagsak ako, e 'di babagsak..
    basta gagawin ko lahat para makapagmake-
    up dun sa mga namiss ko..
    haha.. anlabo no?


    basta.. tinuring ko nang pamilya ko yung Manila Science High School Chorale..
    kasi araw-araw sila ang kasama ko..
    madami na rin kaming pinagdaanan.. at marami na rin kaming napanalunan.. yabang..

    nung isang araw nga pala - nung friday ng gabi - grand finals ng himig pamasko sa baywalk o kung anuman yung pangalan nung contest na yun..
    haha.. nung una confident kami na mananalo kami kasi alam naming kami yung rank 1 nung elims pero kinabahan kami [o ako lang yata..] kasi parang pinaghandaan kami nung mga nakalaban namin dati..
    naging buo yung mga boses nila tapos umayos yung tono.. hehe..
    samantalang kami, busy kakapractice para sa ri
    zal..
    hehe.. mas malaki kasi yung prize dun e.. joke.. haha..
    basta yun.. kaya hindi kami gaano nag-improve.. pero after magperform ng lahat...
    tenenen.. [sound effects yan, wag kang kj..] nanalo kami!
    bentesingko mil ang nadagdag sa aming kab
    an.. hehe..
    at first place na this time.. harha
    r.. wala kasi ang monsay.. hehehe..

    speaking of monsay.. kuanta rin sila nung gabing yun.. kaya lang intermission number..
    mga halimaw yata yung mga ta
    ga-dun e..
    napakamature ng mga boses nila.. super swabe pa nila kumanta.. argh..
    nakakainis.. pero ayos lang..
    natalo kasi namin sila sa rizal.. haha.. may utak kasi ang masci.. hahaha..

    eto yung mga pics ng choir..
    hehe.. ilalagay ko dito sa blog kasi nanganganib na mareformat ang aming pc..




    posted by ayrik_trese @ 12:19 PM 0 comments